JaDine, nagbabalik telebisyon sa KBO

JaDine nagbabalik telebisyon sa KBO 1
Makakasama ng KBO viewers ngayong weekend ang tambalan nina James Reid at Nadine Lustre sa TV premiere ng “Never Not Love You.

Isang probinsiyanang lumuwas pa-Manila si Joanna(Nadine) na umaasang magtagumpay sa mundo ng advertising habang si Gio (James) naman ay isang AmBoy na freelance graphic designer nang magkasalubong sila sa isang tattoo shop.

Ang hindi inasahang pagkikita ng dalawa ang naging daan sa isang magandang pagsasama. Ngunit ang tamis at kilig ng kanilang relasyon ay mauudlot nang makatanggap ng offer si Gio na makapagtrabaho sa London.

Paano kaya nito binago ang takbo ng pagsasama ng dalawa?

Kasabay na ipapalabas naman ngayong Sabado (July 21) at Linggo (July 22) ang “Seven Sundays,” “Love Me Tomorrow,” “Resureksyon,” at “K9.”

Mag-register gamit ang prepaid o postpaid SIM. Sa prepaid, mag-load lang (Globe, TM, Smart, Sun, TNT, or ABS-CBNmobile SIM) ng P30; pindutin ang green / INFO button sa inyong TVplus box remote para makuha ang inyong box ID; i-text ang KBO30 JUL21<TVplus box ID> sa 2366.

WE RECOMMEND