‘Sana Maulit Muli’ nina Lea at Aga palabas ngayon sa SKYdirect Freeview


Matapos mapilitang magtrabaho sa Amerika si Agnes (Salonga), tuluyan itong mahihiwalay sa asawang si Jerry (Muhlach). Mahihirapang tanggapin ni Jerry ang bagong Agnes na naging mas confident at independent. Bagama’t nagkaayos sila ay hindi na kaya ni Jerry ang pamumuhay sa Amerika kung kaya’t ito’y umalik siya ng Pilipinas.
 

Nagkamit ng papuri at parangal ang pelikula kasama ang Best Picture at Best Screenplay mula sa Gawad Urian, matapos itong ipalabas sa mga sinehan noong 1995.
 

Mapapanood din buong buwan ang “For The First Time” nina KC Concpecion at Richard Gutierrez, at ang “In My Life” na pinagbibidahan nina John Lloyd Cruz, Luis Manzano at Vilma Santos.


Unang pelikula nina KC Concepcion at Richard Gutierrez ang “For The First Time.”
 

Tungkol ito sa isang playboy, si Seth (Gutierrez) at isang konserbatibong babae, si Carmina (Concepcion). Mahuhulog ang loob ng isa’t-isa habang nakabakasyon sa Santorini, Greece, ngunit kaya ba nilang harapin ang mga pagsubok sa kanilang pagiibigan mula sa sa kanilang mga sarili at sa mga taong nakapaligid sa kanila?
 


Isa namang kuwento ng pagmamahalang puno ng pagsubok ang mapapanood sa “In My Life.”


Isang gay couple na naninirahan sa Amerika sina Mark (Luis Manzano) at Noel (John Lloyd Cruz). Makikitira si Shirley (Vilma Santos), ina ni Mark, sa dalawa habang nasa Amerika at pinag-iisipan kung ano ang gagawin sa kaniyang buhay matapos palayasin ng dating mister. Mahihirapan si Shirley sa bagong sitwasyon ng anak ngunit sa kalaunan ay matututunan din niyang tanggapin si Noel bilang parte ng kanilang pamilya.
 

Libreng mapapanood ng mga SKYdirect prepaid subscribers na may minimum load na P99 at mga active na postpaid subscribers ang mga pelikulang ito sa channel 28.
 

Magpunta sa www.mysky.com.ph/skydirect para sa karagdagang impormasyon kung paano maging SKYdirect subscriber, o mag-text ng SKY sa 23668 para mag-order.

WE RECOMMEND