Iba’t-ibang kuwento ng pag-ibig sa KBO ngayong linggo

Panoorin ang iba’t-ibang kuwento ng pag-ibig habang ka-bonding ang pamilya sa Kapamilya Box Office ngayong Linggo, na pangungunahan ng “Everyday I Love You” ng LizQuen.

Si Audrey (Liza Soberano) ay may simpleng pamumuhay sa probinsya at nakatakdang ikasal kay Tristan (Gerald Anderson), ang lalaking kanyang pinakamamahal. Ngunit magkakasakit si Tristan at darating sa buhay niya si Ethan (Enrique Gil), isang taong magbibigay sa kanya ng bagong pag-asa at pananaw sa buhay. Pipiliin ba ni Audrey ang kanyang mahal o ang taong tutulong matupad ang kanyang mga pangarap?

Mapapanood din ang “Baka Bukas,” “Villa Estrella,” “Here Comes The Bride,” at “Mano Po 7: Chinoy.”

Gumanap nang isang lesbian si Jasmine Curtis-Smith sa “Baka Bukas.” Matatanggap kaya siya ng kaniyang bestfriend na siya ring mahal niya? Nakakuha ng dalawang awards ang “Baka Bukas” sa 2016 Cinema One Originals Film Festival, isang Best Actress award para kay Jasmine Curtis-Smith at ang Best Sound award para kay Andrew Milallos. Ito ang unang pagkakataon na ipapalabas sa telebisyon ang pelikula na dinirek ni Sam Lee, isang baguhan at kaabang-abang na direktor.

Kuwento naman ng pagmamahal na may halong kababalaghan ang mapapanood sa “Villa Estrella.” Lulutasin ni Anna (Shaina Magdayao) ang pinagmulan ng mga kakaiba niyang panaginip. Dalawang lalaking nagmamahal sa kaniya (Jake Cuenca at Geoff Eigenmann) ang maaaring sumagip sa kanya.

Katatawanan naman ang dulot ng “Here Comes The Bride.” Susubukan ng isang pamilya na maitama ang lahat matapos magkapalit-palit ang kanilang mga kaluluwa. Bida rito ang ilang mga kinikilalang artista at komedyante sa bansa gaya nina Angelica Panganiban, John Lapus, Tuesday Vargas, Eugene Domingo, at Jaime Fabregas.

Pag-ibig naman para sa pamilya ang matutunghayan sa “Mano Po 7:Chinoy.” Si Richard Yap ang padre de pamilya ng mga Wong, isang tila huwarang pamilya ngunit may tinatagong bahid.

Lahat ng ito ay mapapanood ngayong Sabado’t Linggo sa KBO ng ABS-CBN TVplus.

Ang ultimate KBOnding experience na ito ay mayroon pang kasamang marathon ng “The Greatest Love.”

Dagdag sa KBO 30 na ito ang 100 tri-net texts (sa Globe, Touch Mobile, at ABS-CBNmobile) at 50MB na data sa halagang P30 lang. Sa halagang P50 naman ay dalawang linggo na ng KBO ang pwedeng panoorin sa KBOnding DUO. May kasama rin itong 100 tri-net texts at 50MB na data.

Magregister sa KBO sa pamamagitan ng pag-text ng KBO30 OCT21 [BOX ID] sa 2131, gamit ang ABS-CBNmobile. I-text naman ang KBO50 [BOX ID] sa 2131 para sa KBOnding DUO upang mapanood ang KBO offering ngayong linggo at sa susunod na linggo.

WE RECOMMEND