“TrabaHanap” ng CineMo, inilunsad na bilang job search website

With Trabahanap.com, users can easily find featured jobs from private companies. They can also customize their search based on the industry they prefer or look for jobs near their location.


Mas magiging madali na ang paghahanap ng trabaho para sa maraming Pilipino, dahil ang classified ads on TV sa CineMo channel ng ABS-CBN TVplus matatagpuan na sa Trabahanap.com website.


Gamit ang Trabahanap.com, magiging mabilis ang paghahanap at pag-aapply ng trabaho mula sa job listings ng ilang tampok na pribadong kompanya.


Ayon kay ABS-CBN TVplus CineMo channel head Mark Awiten, layunin ng “TrabaHanap” website na magsilbing tulay sa magandang kinabukasan ng mga Pilipino ang bagong job portal.


“Hangad ng CineMo na ang bawa’t manonood ay may hanapbuhay para maitaguyod ang kanilang pamilya. Ito ang dahilan kung bakit inilunsad namin ang ‘TrabaHanap’ bilang isang website para mas maraming Pilipino pa ang makinabang dito,” ani Awiten.


Unang ipinakilala ang “TrabaHanap” noong 2017, kung saan ipinapalabas pagkatapos ng closing credits ng bawa’t pelikula na umere sa CineMo channel ng ABS-CBN TVplus, ang job listings mula sa DOLE website. Bukod dito, pinapakita rin sa CineMo ang ilang tips sa paghahanap ng trabaho.


“Mapapanood pa rin ng CineMo viewers ang job listings on-air at makikita rin nila ang listahan sa CineMo Facebook page kahit mayroon ng website ang ‘TrabaHanap’,” paglilinaw ni Awiten.


“Nagkaroon po ako ng trabaho sa maintenance dahil sa ‘TrabaHanap.’ Malaki ang naging epekto ‘nun sa magulang ko. Napatapos namin ang kapatid kong sumunod sa akin. Malaki talaga ang naitulong sa akin kasi mas naging madali ang paghahanap ko ng trabaho dahil sa CineMo,” kwento ni Regie.


Isa na ang ‘TrabaHanap’ website ng CineMo sa dumaraming digital properties ng ABS-CBN na hangarin na maging isang ganap na digital company.

WE RECOMMEND