ABS-CBN shows at mga Kapamilya stars nagpasaya at nagpasalamat sa fans sa “Bida Kapamilya Thank You”

Kasabay ng pagbuhos ng ulan ay ang pagbuhos din ng pasasalamat ng ABS-CBN sa mga solid Kapamilyang nakilahok sa ginanap na “Bida Kapamilya Thank You” sa Enchanted Kingdom sa Sta. Rosa, Laguna.

Ang “Bida Kapamilya” ay isinagawa ng ABS-CBN sa iba’t ibang lugar sa bansa para pasalamatan ang fans na walang sumusuporta sa Kapamilya Network.

“Opportunity ito para kami naman ang magdala sa kanila ng shows natin. Yung ongoing natin na primetime shows at kinagigiliwan nilang show tulad ng ‘It’s Showtime,’ yun po yung mga iniikot natin sa kanila,” sabi ni Desiree Bretana, head of trade marketing and viewer engagement.

Hindi natinag ng masamang panahon ang pagpapasaya ng “La Luna Sangre” stars na sina Richard Gutierrez at Angel Locsin pati na rin co-star nila na si Khalil Ramos.

Nagpakilig naman ang dalawa sa pinakasikat na loveteams sa bansa ngayon na sina Maymay Entrata at Edward Barber o MayWard, at sina Elmo Magalona at Janella Salvador o ElNella.

Uminit naman ang mga kaganapan sa Enchanted Kingdom sa pagsabak ng “Wildflower” leading men na sina Joseph Marco at Vin Abrenica.

Dumalo rin nakisaya ang “It’s Showtime” barkada sa pangunguna ng  kilig ambassadors na Hashtags kasama ang Girltrends, “Tawag ng Tanghalan” grand winner na si Noven Belleza, at “Tawag Ng Tangahalan” Divas na sina Maricel Callo, Pauline Agupian, Gidget Dela Llana, at Rachel Gabreza.

Hindi rin nagpahuli ang paborito nilang “ASAP” Kapamilyas na sina Jason Dy, Kira Balinger, at Young JV;  One Music artists na sina Volts Valejo at Unit 406; “Pinoy Big Brother” ex-housemate Yong Muhajil, at ang YeY kids. Nagsilbing mga hosts naman para sa variety show ang mga kwela at paboritong mga MOR 101.9 DJs na sina DJ Jhai Ho, DJ Ana Ramsey, DJ Joko Loko, at si Dj Eva Ronda.

Espesyal ang naturang Bida Kapamilya event dahil ang napiling beneficiaries ng Lingkod Kapamilya ang nabigyan ng instant bonding experience kasama ang kani-kanilang pamilya. Binuksan nga ng EK sa kanilang lahat ang kanilang iba’t ibang rides at attractions na tiyak patok na patok lalo na sa mga bata. VIP treatment din ang kanilan nakuha sa ginanap an variety show kasama ang Kapamilya stars.

Nakilahok din sa Bida Kapamilya Thank You event ang Jeepney TV, One Sky, ABS-CBN Mobile, ABS-CBN Tvplus, at DZMM na naghanda ng mga pakulo at games sa kani-kanilang booth.

WE RECOMMEND