Common Fitness Excuses And Why You Should Get Over Them--NOW!

Committing to a healthy lifestyle is never easy. Lalo na kung marami kang naiisip na dahilan kung bakit ‘okay lang’ na hindi mo ituloy ang iyong fitness journey. And that should change now! Kaya isa-isahin natin ang mga excuses na madalas mong sabihin sa iyong sarili--at kung bakit dapat baguhin mo na ang iyong pananaw. 


‘Mahal ang gym membership’. Pero mas mahal ang pwede mong gastusin sa ospital ‘pag pinabayaan mo ang iyong kalusugan. There are cheaper options to stay fit and healthy. You can jog early in the morning or during your free time. Try the workout videos you find online. O ‘di kaya maglinis ka ng bahay para mapagpawisan! If there’s a will, there’s a way. ‘Di kailangan gumastos nang mahal, determinasyon lang ang kailangan mong puhunan!
 


‘Nakakatamad gumising nang maaga’. We know the struggle. Pero hindi ka lang naman sa umaga pwede mag-exercise. Do it in your own time! Maglaan lang ng kahit 10-20 minutes kada araw para magpapawis. O di kaya isang intense na workout session tuwing weekend. Stick to the schedule kung saan ka mas komportable. Mapa-umaga, tanghali, o gabi man ‘yan. Sabayan mo na rin ng happy hits playlist para full of energy ka habang nagpapapawis!
 


‘Parang ‘di naman ako pumapayat kahit ano gawin ko’. Change that mindset, stat! Hindi dapat ‘maging payat’ ang number one motivation mo--‘maging healthy’ dapat. Dahil kung sa pagliit ng iyong waist line mo ibabase ang success ng iyong fitness journey, matatagalan pa bago ka maging masaya sa resulta. Just try to enjoy the process. And don’t compare your progress to that of others. Just focus on improving yourself. At magpapasalamat ka na lang months or years from now na hindi ka sumuko basta-basta. 
 


‘Hindi masarap kumain ‘pag nagdi-diet’. Sobrang daming delish dishes na pwede mong i-incorporate sa iyong diet. Besides, it’s never about restricting yourself--it’s about being wise about the types of food you consume. All you need to do is research, explore your options, and go for food na masarap na, masustansya pa. Like the classic and all-time healthy meat Century Tuna. Sobrang daming recipes mo pa na pwedeng gawin dito--tulad ng Century Tuna Egg Salad Sandwich, Century Tuna Pesto, classic Century Tuna-Si-log, at marami pang iba. Basta game ka mag-experiment sa iba’t ibang healthy dishes, walang problema!
 


Sa oras na nalagpasan mo ang mga excuses na ito, mas madali mong mararating ang #FitnessGoals mo. Kaya mo ‘yan, tiwala lang!
 

WE RECOMMEND