Mga ‘kabayan,’ handa na para sa pinakamalaking Fil- Expo sa Middle East handog ng TFC
Financial experts tulad ng best-selling author na si Francis Colayco magbibigay ng tips sa ‘Bahay, Kabuhayan at Iba Pa;’ Kapamilya stars magpapasaya  sa two-day event

October 28, 2015 (Dubai, Middle East) – Muling magbabalik ang pinakaabangan at pinakamalaking Filipino exhibit na “Bahay, Kabuhayan at Iba Pa,” sa Middle East sa October 30 at 31 sa Great Ballroom ng Le Meridien Hotel Garboud sa UAE handog ng The Filipino Channel (TFC) at ng sponsors mula sa finance, retail, banking at iba pang relevant industries. 






Tinaguriang pinaka-orihinal na Philippine exhibit sa bansa, ang “Bahay Kabuhayan at Iba Pa” ay may dalawang exhibit areas na magpapatunay na ang mga Filipino ay hindi lamang interesado sa Philippine culture at entertainment kung hindi pati na rin sa mga bagay na pinansiyal at mga bagay na ikabubuti ng kanilang buhay.

Ang exhibit hub kung saan makikita ang iba’t-ibang mga produkto, serbisyong Pinoy at business opportunities ay magsho-showcase ng key industries tulad ng real-estate, cargo, remittance, telecommunications, travel at leisure, at insurance.

Ang stage hub naman ay magtatampok sa mga financial experts na magbibigay kaalaman tungkol sa negosyo at investment.

Tampok sa seminar si financial educator at author ng best-selling na libro na “Wealth Within Your Reach,” Francis Colayco; financial literacy advocate Armand Bengco; at host ng “On the Money” ng ABS-CBN News Channel na si Salve Duplito.



Hindi lang seryosong financial talk ang hatid ng TFC dahil tampok din sa stage hub, ang mga Kapamilya stars at Teleserye Theme Songs Royalties na sina Erik Santos at Angeline Quinto sa October 30 at 31.

Inaasahang higit-kumulang na 20,000 na kabayan ang dadalo sa two-day event mula sa iba’t-ibang sulok ng Gitnang Silangan.  

Libre ang entrance sa “Bahay, Kabuhayan at Iba Pa.”  Para makuha ang free pass, mag-register sa www.kapamilya.com/tfclive.  May free TFC.tv movie pins para sa “Ex With Benefits” para sa mga magre-register bago mag-October 30.

Para sa booth at sponsorships tumawag sa +971 55 983 6205, +971 55 242 7626 o mag-email sa ads-me@abs-cbn.com  

For more information, bisitahin ang www.facebook.com/TFCMiddleEast at gamitin ang official hash tag #‎tfcfilexpo2015?

WE RECOMMEND