10 Local Horror Flicks to consider this Halloween PART 3
7. Yanggaw


Image source: http://jonathan2rivers.blogspot.com/2010/11/2rivers-presents-richard-somes-multi.html

Ano ang gagawin mo kung ang isa mong kamag-anak na nawala nang matagal ay uuwi na mayroon kakaibang sakit at sa huli ay magiging isang halimaw na kaya ka nyang patayin? Ganito ang takbo ng kwento ng Yanggaw noong ipinalabas ito sa Cinema One Originals 2008. Dahil sa sobrang ganda ng kwento nito marami itong hinakot na awards.

8. The Healing


Image source: starcinema.abs-cbn.com

Naniniwala ka bas a faith healing? Si Seth (Vilma Santos), sobrang sobra ang paniniwala at pananalig niya rito. Pero nagbago ang lahat noong ang mga taong tinulungan niya ay binalikan ng demonyo at isa-isa silang pinatay. Siguradong mapapasigaw ka sa mga eksena at dahil yan sa magandang pagkakagawa nina Chito Roño at Roy Iglesias na bumuo ng kwento nito.

9. Tiyanak


Image source: http://video48.blogspot.com/2009/05/films-of-peque-gallaga.html

Sino ang makakalimot sa linyang “Oh my god ang baby ni Janice!” Sa pelikulang Tiyanak nagsimula ito noong 1988. Na kung saan ang inaakalang anghel na napulot ng Janice de Belen sa pelikula ay isang anak ng kadiliman na isa-isa silang pinapatay.

10. Halimaw sa Banga

Image source: http://moviespictures.org/pictures/Halimaw


Mahilig ka bang magcollect ng furniture at jars? Ang Halimaw  noong 1986 ay isa sa dapat mong panoorin lalo na ang part ng Halimaw sa Banga. Sinong mag-aakala na sa napakagandang banga ay may naninirahang elemento na kayang kunin ang sinumang sumilip dito. Siguradong matatakot ka kay Bugan ang halimaw na naninirahan sa banga.

Iyan ang 10 movies na marerecommend namin sa inyong horror film marathon mga Kapamilya. Ikaw may marerecommend ka ba? Share mo sa amin!

CLICK HERE FOR PAGE 1

CLICK HERE FOR PAGE 2

WE RECOMMEND