10 Local Horror Flicks to consider this Halloween PART 2
4. Shake, Rattle, and Roll 3: Undin

Image source: http://shakerattleandroll.wikia.com/wiki/Shake_Rattle_and_Roll_III

Hindi mawawala ang Shake, Rattle, and Roll series pagdating sa mga kwento ng katatakutan kaya umabot na sila 15 films na umere at kalagian ay tuwing Pasko. At ang isang nakakatakot ay ang kwento ng Nanay sa Shake, Rattle, and Roll 3 na isa sa mga creatures na kinatakutan natin ay ang Undin. Pinagbidahan ito nina Manilyn Reynes, Ai Ai de las Alas at Joey Marquez. Pagkatapos mo panoorin ito siguradong gugustuhin mong mag-CR na nakabukas ang ilaw.

5. Tiktik: The Aswang Chronicles

Image source: http://en.wikipedia.org/wiki/Tiktik:_The_Aswang_Chronicles

Ito ang pinaka-unang horror film na kinunan sa green room at CGI. Produced by Reality Entertainment and AgostoDos Pictures nakilala natin kung paano nanirahan sa lugaw ng mga aswang ang pamilya ni Makoy at ang asawa niyang nagdadalang tao. Bukod sa mga graphics na malinis at pulido ay matutuwa rin tayo sa mga action moves ni Dingdong Dantes. At pagkatapos natin manood siguradong mapapasilip tayo sa mga bintana natin kung talang nasara na natin ang mga ito.

6. Feng Shui


Image source: starcinema.abs-cbn.com

Binago ng Star Cinema ang pananaw ng karamihan tungkol sa swerte at malas sa Feng Shui noong 2004. Pinagbidahan ni Kris Aquino ang horror movie na ito bilang si Joy. Nakuha niya ang bagua na pampaswerte pero sa kabila nito isa-isang namamatay ang mga taong sumilip sa salamin maliban sa kanya. Siguradong pagkatapos mo panoorin ito hindi ka magpapatay ng ilaw.

CLICK HERE FOR PAGE 3

CLICK HERE FOR PAGE 1

WE RECOMMEND