Top 5 National Heroes portrayed on the big screen
Sa sama-sama nating paggunita ng ating kasarinlan bilang isang malayang bansa ay magbalik tanaw naman tayo sa ilang mga bayaning lumaban para sa ating kalayaan. At sa ating Throwback Thursday special ay isa-isahin natin ang ilang mga bayaning isinapelikula ang mga buhay at ginampanan ng ilan sa ating mga paboritong artista.

General Macario Sakay

Gumanap si Julio Diaz bilang si General Macario Sakay, isang sundalo na sumama sa 1896 Philippine Revolution laban sa mga Espanyol at sa Philippine-American War. Sa pelikulang Sakay ay pinakita ang pinagdaanan ni Gen. Macario, kung paano siya sumama sa Katipunan na pinangungunahan ni Andres Bonifacio hanggang sa pagkahuli kay General Emilio Aguinaldo. (Image source: nubecine.com)

Gabriela Silang

Bukod sa asawa niyang si Diego, naging simbolo ng lumalabang kababaihan si Gabriela Silang. Isa rin siya sa haligi ng pag-abot ng kalayaan ng bansa. Unang napabalita na gagampanan ni Jennylyn Mercado ang babaeng bayani para sa independent film na Gabriela, pero noong 2013 sa ika-250 na anibersaryo nito, ang Pinoy Big Brother Unlimited ex-housemate na si Tin Patrimonio ang gumanap sa starring role kasama si Carlo Aquino. (Image source: PEP)

Andres Bonifacio

Hindi maaaring mawala ang pinuno ng Katipunan kapag pinag-usapan ang Kalayaan ng bansa. At si Alfred Vargas ang pinalad na maging isa sa mga artistang gumanap ng karakter na ito sa pelikula. Lumabas siya sa pelikulang Ang Supremo. Pero hindi ito ang una ninyang pagganap bilang Bayani ng Balintawak dahil lumabas din siya sa pelikulang Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio. (Image source: kwentonitoto.com)

General Emilio Aguinaldo

Si Gen. Aguinaldo ang unang presidente ng Pilipinas matapos ang rebolusyon laban sa mga Kastila. Sa mga pelikula hanggang sa huling sandali ng buhay niya ay ipinakitang ibinigay niya ang kanyang buhay para sa bansa. Dalawang beses nang gumanap si ER Ejercito bilang si Aguinaldo noong year 2000 sa pelikulang Emilio Aguinaldo at noong 2012 para sa El Presidente, na entry sa Metro Manila Film Festival. (Image source: jessicarulestheuniverse.com)

Jose Rizal

Sa lahat ng mga bayaning na-isapelikula ang buhay marahil si Jose Rizal na ating pambansang bayani ang may pinakamarami nito. Mula sa kanyang pagiging henyo, pati ang paraan ng pakikipaglaban niya sa mga mananakop sa pamamagitan ng pagsusulat hanggang sa kanyang makulay na love life, marami talagang interesado at na-iinspire ng buhay ni Rizal. Ilan sa di malilimutang pelikula tungkol sa bayani ay ang Rizal na pinagbidahan ni Cesar Montano at ang Rizal Sa Dapitan ni Albert Martinez. (Image source: wikimedia.org / rcperiences.tumblr.com/)

WE RECOMMEND