PAANDAR 2016: PBB Breakthrough Love Teams

Iba’t ibang love teams na ang ating nasubaybayan sa loob ng bahay ni Kuya na nagsimula sa simpleng tuksuhan at may ilan ding nauwi naman sa kasalan sa simbahan.

Ngayong 2016, bagong kilig tandems naman ang umusbong na nagbigay-kulay sa ating panonood gabi-gabi sa Primetime Bida. Narito ang 5 breakthrough love teams ngayong taon sa Pinoy Big Brother Lucky Season 7:

McLisse (McCoy at Elisse)

Binansagang MCLISSE ang love team ng celebrity housemates na sina “Hashtag Boy Tatag ng Tondo” McCoy De Leon at “Hugot Babe ng Mandaluyong” Elisse Joson. Naging kapansin-pansin sa ibang housemates ang “chemistry” ng dalawa habang nasa loob ng bahay ni Kuya, at mas naging malapit pa nang makalabas sa “outside world”.

Kaya naman nang makabalik sa loob ng bahay, hindi pinalagpas ni McCoy ang pagkakataong mag-‘propose’ kay Elisse sa harap ng Lucky Teen Housemates at ng libo-libong McLisse fans na nakasubaybay sa PBB. Kinilig ang lahat nang tanungin si McCoy si Elisse kung maaari ba niya itong maging partner sa Ball na inihanda ni Big Brother.

MayWard (Maymay at Edward)

Hindi inasahan nina Maymay at Edward na ang kanilang kulitan at asaran sa loob ng bahay ni Kuya ay magkakaroon ng libo-libong taga-subaybay. Patuloy ang pagdami ng “MayWard Shippers” ngayon na walang sawang sumusuporta sa kanilang loveteam. Nakatanggap sila ng ASAP Pop Love Teens Award kung saan nakakuha sila ng pinakamaraming boto. Siguradong ‘nabaliw’ ang fans ng MayWard nang i-release ang kanilang unang awiting pinamagatang “Baliw” na isinulat ni Maymay sa loob ng bahay ni Kuya.

Panoorin ang “Baliw” recording music video nina Maymay at Edward na nakaka-LSS, nakakakilig, at nakakabaliw!

KissMarc (Kisses at Marco)

Kapansin pansin na naging malapit din sa isa’t isa sina Kisses at Marco sa loob ng bahay ni Kuya. Maraming humanga at naka-relate kay Kisses nang inamin niya kay Big Brother noon ang nararamdaman para kay Marco. Mas ikinatuwa naman ng kanilang fans ang chance na masabi nilang dalawa nang harapan ang mga tunay na nararamdaman. Inamin ni Kisses, “Gusto kita pero mas gusto kitang maging friend forever.”

MarVoree (Marco at Vivoree)

Isa sa mga tambalang nagkaaminan ng totoong nararamdaman sa isa’t isa sa loob ng bahay ni Kuya ang tambalang “MarVoree”. Sa linggo na naging nominado si Marco, inamin nila ang pagkagusto sa isa’t isa. Dahil sa maaaring ma-evict sa linggong iyon, inamin ng Pilyo Bello ng Italy kay Vivoree, "Gusto ko lang malaman mo na type kita, as in sa mga kilos mo. Hindi maarte, ang chill lang, pagiging maganda, 'yung kakulitan mo.”

Inamin din ni Vivoree na pareho sila ng nararamdaman at mas pipiliing kilalanin pa siyang mabuti.

Cora - Luis

Sina Maymay at Kisses ang unang nakapansin sa pagtingin ni Luis kay Cora. Hindi nakalagpas sa kakulitan ng teen housemates ang “Longing Son ng Taguig” at “Dazzling Beauty ng Bulacan” nang maisipang ibida sila sa kunyaring music video ng kantang “Baliw”. Maraming kinilig sa music video na ito at sa naging tambalan nina Cora at Luis.

WE RECOMMEND