“Super Book” Season 4 mapapanood na sa ABS-CBN


Tiyak na magiging masaya na naman ang Sundays ng Kapamilya kids at kids-at-heart dahil muli nilang mapapanuod ang Bible adventures nina Gizmo, Chris, at Joy sa “Superbook” Season 4 na magbabalik ngayong Linggo (Hulyo 14) sa ABS-CBN ng 9:15 am.


Nilalayon ng ABS-CBN, katuwang ang CBN Asia, ang patuloy na maghatid ng saya at magbahagi ng mabubuting aral sa mga bagong istorya na mapapanuod sa ikaapat na season ng “Superbook.”


Sa karagdagang anim na episodes, ang mga manonood ay inaasahang mabibigyang inspirasyon ng paglalakbay ni Hesus, at magiging saksi kung paano mababago sina Gizmo, Chris, at Joy ng kanilang pakikisalamuha sa iba pang karakter sa Bibliya, gaya nina Pablo, Barnabas, at Jeremiah.


Ang bawat episode ng “Superbook” ay angkop sa temang “Superbook SuperStar” na layong ukitin ang kabutihang asal sa mga susunod na henerasyon upang magningning sila tulad ng mga bituin na ginawa ng Diyos at maging mabuting ehemplo sa nakararami.


Huwag palampasin ang pagbabalik ng “Superbook” Season 4 ngayong Linggo (Hulyo 14) sa ABS-CBN ng 9:15 am. Makisali sa kwentuhan sa social media gamit ang hashtag na #SuperbookIsSuperBack.

WE RECOMMEND