CineMo ng TVplus, nagpasaya sa mga tatay


Inaasahan ni Francisco Jaramillo, isang TVplus user, na may libreng gupit at masahe siya sa Post-Father’s Day event ng CineMo, pero laking gulat niya na siya pa ang mapalad na napiling nag-uwi ng bagong TV, ang grand prize na handog ng TVplus sa CineMo Araw ni Tatay.


Nakuha ni Francisco ang papremyo nang manalo ang kanyang anak sa isang palaro ng CineMo sa event.
“Hindi ko po inaasahang manalo. Ngayon, may TV na po kami,” ani Francisco. Masaya rin si Francisco sa libreng gupit at masahe dahil nakabawas daw ito sa gastos ng pamilya niya.


Isa lang si Francisco sa 140 taong napasaya ng CineMo dahil sa libreng gupit, masahe, at papremyo na ibinigay nila.


Bukod dito, may grocery package rin na natanggap ang mga tatay na early birds at sumali sa “Minute to Win it” games, pati libreng pagkain. Tumulong din ang Trabahanap.com sa mga tatay na naghahanap ng bagong mapapasukan na trabaho.


Handog ang Araw ni Tatay event ng ABS-CBN TVplus CineMo at ABS-CBN Tulong Center. 

WE RECOMMEND