FPJ’s Ang Probinsyano, Kadenang Ginto at Nang Ngumiti Ang Langit, nakisaya sa Kadayawan at Higalaay Festival

Naghatid ng tuwa at saya ang ABS-CBN Regional sa mga Davaoeño at mga Kagay-Anon sa pagdating ng Kapamilya Karavan kasama ang mga bida ng Kadenang Ginto at Nang Ngumiti ang Langit sa Kadayawan Festival, at mga bituin ng FPJ’s Ang Probinsyano sa Higalaay Festival, kamakailan lang. 


Nakumpleto ang araw ng fans ng nangungunang teleserye sa hapon sa pagbisita nina Dimples Romana, Beauty Gonzalez, Richard Yap, Andrea Brillantes, Francine Diaz, Kyle Echarri, at Seth Fedelin kasama ang cast ng Nang Ngumiti Ang Langit na sina Cristine Reyes, RK Bagatsing, Sophia Reola, at Enzo Pineda sa RMC Petro Gazz Arena sa Davao City.




Hindi naman nagpahuli ang mga artista mula sa naghaharing actionserye na FPJ’s Ang Probinsyano. Dumagundong ang Limketkai Center sa Cagayan De Oro nang haranahin sila nina Coco Martin at Yassi Pressman at pinakitaan ng galing sa pagsasayaw ni John Prats.



Ang Kapamilya Karavan ay programa ng ABS-CBN Regional na nagpapalapit sa Kapamilya stars sa kanilang fans tuwing fiesta at selebrasyon. Ang ABS-CBN Regional ang sangay ng Kapamilya network na gumagawa o umeere ng mga lokal na programa na naghahatid ng impormasyon at tumutugon sa pangangailangan ng mga Pilipino sa labas ng Metro Manila. Maliban sa pagbibigay ng importanteng balita at kaalaman, naghahatid rin ito ng serbisyo publiko sa mga Kapamilya sa mga lugar nito.

WE RECOMMEND