PAANDAR 2013: 13 Kapamilya Catch Phrases That Caught Us in 2013

Sa bawat programa ng ABS-CBN, may mga linyang binibitiwan ang mga karakter, mapabida man o kontrabida, host or extra, na tumatatak sa mga manonood. At dumadating ang mga pagkakataong sinasambit na rin ang mga linyang ito pati sa mga totoong eksena sa buhay na kahalintulad ng sitwasyon sa show kung saan ito ay ginamit. 

Pasok sa aming listahan ng mga Kapamilya 'catch phrases' na sumikat, naging uso at naging bukam-bibig ng sambayan!

And so we present to you 13 Kapamilya catch phrases that caught us in 2013

1. Gandang Gabi Vice


Nang maging guests sa Gandang Gabi Vice sina Dawn Zulueta at Richard Gomez, ipinakita ang isang eksena mula sa classic movie nilang “Hihintayin Kita sa Langit” kung saan binuhat ni Gabriel (Richard) si Carmina (Dawn). Dito ay hiniling ni Vice kay Richard na buhatin din siya katulad ng ginawa niya kay Dawn sa pelikulang iyon at tinawag niya ang pagbuhat na ito na I-Dawn Zulueta Mo Ako! Pagkatapos umere ng episode na ito ng Gandang Gabi Vice, lahat na lamang na gustong magpabuhat ay sinasabing I-Dawn Zulueta Mo Ako!

2. Got to Believe


Humingi ng paumanhin si Chichay (Kathryn Bernardo) kay Joaquin (Daniel Padilla) nang sa kakamadali niya ay nabangga niya ito. Sa sobrang pag-aalalang mabagsakan ang kanyang ulong may nakabaong bala ng baril ay pinagsabihan ni Joaquin si Chichay na muntik na siyang mamatay at simpleng sorry lang ang sinasabi niya. Sinagot ito ni Chichay ng OA naman niya at patay agad ang sinabi kaya inulit niya ang pagsambit ng Sorry po! kasabay ng pag-bow/ pagtungo niya na parang sa isang kamahalan o royalty siya humihingi ng patawad. Ngayon patuloy pa ring ginagamit ang linyang ito kapag ang isang tao ay nagkamali at gustong humingi ng sorry

3. Be Careful with My Heart


Tuwing may pinagdadaanan si Maya, lagi niyang sinasabing kapag magkakapit-bisig o magkakasama at nagdadamayan, walang pagsubok na hindi malalagpasan! Kaya ang mga tao kapag kailangan ng moral support, Kapit-bisig! din ang sinasabi.

4. Juan dela Cruz


Nakilala si Juan dela Cruz sa expression niyang Yun o! Sinasabi ito ni Juan tuwing matatalo niya ang kanyang mga kalaban gamit ang bakal na krus.

5. The Voice of the Philippines


Simula nang magkaroon ng kanya-kanyang team sa The Voice of the Philippines, nauso na ang pagtawag sa mga grupo ng may kasamang Team sa unahan.

6. Honesto


Bago pa man magsimula ang teleseryeng Honesto, gumawa na ng ingay ang pag-post ng picture ng mga Kapamilya natin, artista man o ordinaryong tao na naka-taas ang kamay na nagsasabing Honest 'to, Promise. Ngayon para maniwala ang kausap sa katapatan at sinseridad mo, ang kailangan mo lamang sabihin ay ang linyang ito. 

7.  Ina Kapatid Anak


Ang nagbitaw ng linyang How dare you ay si Margaux (Maja Salvador) at sinabi niya ito kay Celyn (Kim Chiu) sa Ina Kapatid Anak. Bagamat ginagamit talaga ito sa mga awayan at sigawan sa totoong buhay, ang pagsambit nito ngayon ay tuwing may ipapagawa o iuutos na bagay na kapag hindi sinunod ay sasabihan siyang  How dare you sa tonong gaya ng ginawa ni Margaux.

CLICK HERE FOR MORE

WE RECOMMEND