Paandar 2013: 13 Kapamilya Music Videos

Tuwing may mga bagong programa ang ABS-CBN, isa sa pinakaaabangan lagi ang paglabas ng music video nito.  Ang theme song o official sound track at kung sino ang kakanta sa music video ang pinanabikang malaman ng mga fans ng bawat show.  At dahil na rin pinag-uukulan ng oras at panahon ang pagawa nito para sa mga manonood, bibigyang halaga rin ng ABS-CBN.com ang 13 Kapamilya music videos na naging paborito nating lahat.

Here are our picks for the Top 13 Kapamilya music videos of 2013

1. Maria Mercedes Music Video
“Maria Mercedes” Performed by Jessy Mendiola


Ang ‘hot’ na music video na ito ang number 1 sa aming listahan dahil bukod sa ito ay nakakuha ng mahigit 480,000 views sa ABSCBNOnline You Tube, ito ay pinag-usapan sa Social Networking Sites dahil sa kaseksihan at alindog na ipinakita ni Jessy habang kinakanta at sinasayaw ang theme song ng Maria Mercedes.

2. Juan dela Cruz Music Video
“Pusong Bato” Performed by Jovit Baldivino

Pinasikat lalo ng programang Juan dela Cruz ang kantang “Pusong Bato” nang gamitin ito sa pagsisimula ng kwento ng pagmamahalan nina Juan at Rosario.  Habang pinapanood mo ang music video na ito na kinanta ni Jovit Balvivino, ramdam mo talaga ang sakit at pait ng pagkabigo sa pag-ibig.

3. Annaliza Music Video
“Annaliza” Performed by Roel Manlangit

Ang makapagbagbag damdaming rendition naman ni Pilipinas Got Talent Season 4 Grand winner Roel Manlangit sa theme song ng Annaliza ang pangatlo sa aming list. Bagay na kantahin ng batang singer ang teleseryeng pinagbibidahan ng isang bata rin. Ito ang unang teleserye theme song na kinanta ni Roel after niyang manalo sa competition.

4. Got to Believe Music Video
“Got to Believe in Magic” Performed by Juris

Talagang maniniwala ka sa magic at pag-ibig habang pinapanood mo ang music video na ito ng Got to Believe na kinunan sa isang circus o peryahan.  Ang highlights sa music video na ito ay ang pagpapakita ng mga rides at ibat ibang karakter na siyang nagbibigay-buhay at kulay sa isang mataong peryahan.

5. My Little Juan Music Video
"Maghintay Ka Lamang" by Performed by Roel Manlangit

Very inspiring ang music video na ito na tampok si Roel Manlangit na siyang kumanta ng theme song ng My Little Juan na “Maghintay Ka Lamang”. Ang mga clips na kasama sa music video na ito ay mula sa spin-off series ng Juan dela Cruz na naka-focus sa kwento ng batang Juan na ginampanan ni Izzy Canillo.

6. Dugong Buhay Music Video
“Pagsubok” Performed by Jovit Baldivino

Inilalarawan naman ng music video ng Dugong Buhay ang mga ‘pagsubok’ na dinaanan ng bidang si Gabriel / Victor na ginampanan ni Ejay Falcon.

CLICK HERE FOR KAPAMILYA MUSIC VIDEOS #S 7 - 13

WE RECOMMEND