Paandar 2013: 13 Best Kris RealiTV Trips of 2013

Talagang "Its More Fun In The Philippines!" at pinatunayan iyan sa atin ng KrisTV via Kris RealiTV! Puntahan nating muli ang mga tourist spots sa Pilipinas at ating balikan ang out of the country trips nina Kris, Josh at Bimby sa ABS-CBN.com Presents the 13 Best Kris RealiTV Trips of 2013

13. General Santos


Pinatuloy tayo sa Mansion nina Manny at Jinkee Pacquiao sa Saranggani kung saan sagana ang mga pagkain. Dumalaw din ang KrisTV sa GenSan Fish Port.

12. Bataan


Let’s take a historical tour sa Corregidor Island. Sulyapan natin kung paano naging progresibo ang makasaysayang lugar na ito. Gov. Abet Garcia took us on a tour sa Balanga City. Dinala rin tayo ni Gov sa St. Joseph Cathedral, ang simbahan kung saan ipinagdasal ni Kris si PNoy on the day he declared his candidacy for presidency.

11. Pampanga


Magpakabusog naman tayo sa one of the culinary capitals ng Pilipinas! During the Spanish Regime, itinuturing na isa sa mga mayayamang probinsiya ang Pampanga dahil kadalasan dito nanggagaling ang agricultural, fishery and forestry products natin. Dahil dito, nahasa ang kagalingan ng mga Kapampangan sa  pagluluto. Husay na hanggang ngayon, ina-acknowledge ng lahat! Manyaman! Nagkakabugan at nagpapagandahan ang mga Kapampangan tuwing Sinukwan Festival na idinaraos tuwing huling linggo ng Nobyembre hanggang Disyembre. Binibigyang buhay nito ang Kapampangan spirit.

10. Davao


It is best to spend a three-hour rafting adventure in the morning then at lunch, one with nature ka by visiting the Malagos Garden Resort. Dito, masarap din mag-cheese, wine and chocolate tasting. Then taste exotic cuisine like crocodile meat sisig sa Riverwalk Grill. Fusion cuisine naman ang meron sa The White House restaurant na may specialty na Vanilla Cheesecake.

9. Quiapo


Hindi mahirap marating ang mga plano mong puntahan sa Quiapo. Halos lahat ng mga lugar rito, maraming taon nang bukas. Most of the people na makakasalubong ninyo, alam kung saan matatagpuan ang bawat tindahang dinadayo rito. All you have to do is ask the people around. There is the New Sin Kian Heng, ang kitchenware store na favorite ng hotels, restaurants, chefs, caterers and homemakers at nilibot tayo ni Rowena Tan, ang owner. Sikat din and Fresh Lumpia from Globe Lumpia na masarap na, affordable pa ang price.

8. Quezon City


Kasama ni Kris sina Kim Chiu and Xian Lim, na nakapag-selfie video pa habang nagzi-Zip Line Ride sa La Mesa Ecopark. Nag-Koi Fish Feeding din sina Kris at KimXi sa fish pond.

CLICK HERE FOR MORE

WE RECOMMEND