PAANDAR 2013: 13 ABS-CBN Teleserye Bloopers of 2013

Malungkot man ang pagtatapos ng isang programa, pinapabaunan naman tayo ng cast ng isang 'remembrance' bago matapos ang finale episode- ang mga bloopers ng mga bida at kontrabida sa teleseryeng sinubaybayan mo araw-araw.

Dito ipinapakita na kahit ang mga artistang hinahangaan mo sa galing sa pag-arte ay nakakalimot din ng mga linya, nabubulol din sa pag-deliver ng lines at nagkakamali rin sa mga eksenang hinihingi ng script.

Sa mga teleseryeng ipinalabas noong 2013, eto ang mga bloopers na talagang nagpatawa sa amin nang wagas

1. Juan Dela Cruz


Sino ang hindi humagalpak sa katatawa habang pinapanood ang Tawanan with Juan? Sa Juan dela Cruz bloopers na ito, hindi maiwasan ni Coco Martin na matawa sa mga eksenang kasama ang kanyang bestfriend sa show na si Neil Coleta. May kanya-kanya ring nakakatawang bloopers ng mga beterano sa pag-arte na sina Eddie Garcia at Gina Pareno.

2. Muling Buksan Ang Puso


Sa bloopers naman ng Muling Buksan ang Puso, hindi mo maiwasang matawa sa pagkadulas  ni Enchong Dee at sa hindi nya pagsalo ng bola nang inihagis ito ni Enrique Gil sa kanya. Ipinakita rin ang pagkalimot ni Cherrie Gil at Agot Isidro sa madramang linya nila.

3. Huwag Ka Lang Mawawala


Ang madrama at maaksiyong teleseryeng ito ay hindi nakaligtas sa pagkabulol ng cast sa pagbitaw ng mga linya. Suking suki si Sam Milby bilang Eros dito.

4. Bukas Na Lang Kita Mamahalin


Nakaaliw panoorin ang isang Dawn Zulueta na nagkakamali at nakakalimot ng mga linya sa eksena! Saludo pa rin tayo sa galing niyang umarte!

5. Little Champ


Lakas ng tawa ng lahat nang sumigaw ng "Darna!" si Jake Roxas pagkatapos niyang lunukin ang bato ng Kambulalakaw. Pati ang mga kabayo ay may bloopers din!

6. Ina Kapatid Anak


Hindi nagpahuli sa katatawanan ang bloopers ng Ina Kapatid Anak. Ang aksidenteng pagkakadulas ng kontrabidang si Mio (John Regala), ang pagsampal ni Cherry Pie Picache kay Ariel Rivera na hindi tumama sa pisngi at ang pagbanggit ni Jayson Gainza ng pangalang Celym na dapat ay Celyn ay ilan lamang sa mga nakakatawang bahagi ng bloopers ng madramang teleseryeng ito.

7. Apoy Sa Dagat

Biglang nabahing at natalisod si Diether Ocampo sa gitna ng kinukunang eksena!

WE RECOMMEND