The Kapamilya Network wins big at the first MITV Gawad Kamalayan
Humakot ng mga parangal ang ABS-CBN programs and personalities sa katatapos lang na MITV Gawad Kamalayan na ibinibigay ng educators at students ng Mapua Institute of Technology. Kasabay ng kanilang 90th foundation day ito ang unang taon ng pagbibigay nila ng parangal at pagkilala sa mga mahuhusay na programa sa telebisyon at mga personalidad na nagsisilbing inspirasyon sa kabataan.
Ibinigay sa ABSCBN ang Best TV Station award.

Best News Program ang TV Patrol na tinanggap nina Korina Sanchez at Ted Failon ang parangal. Ipinagmalaki ni Korina na graduate ng Mapua ang kanyang tatay. At ang halaga ng opinyon ng mga kabataan.

"Ikinararangal namin ang student body, may intergredad ang mga kabataan eh, so the vote of the people, people's choice is what's important," sabi ni Korina.
 
Si Ted naman, inihandog ang parangal sa lahat ng behind the scene people ng TV Patrol.

"Ang parangal na ito ay hindi lang para sa min kundi para sa lahat ng 918 na mga manggagawa na nasa likod ng ABS-CBN Integrated News and Current Affairs."

Nakuha rin ni Korina ang Best Magazine Show at Host award samantalang nakuha rin ni Ted ang Best Newscaster Award.

Memorable naman kay Robi Domingo ang nakuhang parangal as Best Tourism Host dahil ito ang unang pagkilala sa kanyang talento bilang host kaya't naka go pro camera pa si Robi ng umakyat sa stage para tanggapin ang parangal.

"Sobrang nakakatuwa. Ganito pala ang pakiramdam. It's my first award in hosting and mga students pa ang nagvote. Ang mga credentials nila OK kasi sila talaga ang mga nanonood ng mga TV shows ngayon kaya nakakatuwa," sabi ni Robi.

Below is the complete list of Kapamilya Winners for the first MITV Gawad Kamalayan:

KAPAMILYA WINNERS 2015 MITV GAWAD KAMALAYAN

BEST TV STATION - ABS-CBN
BEST DRAMA PROGRAM - Maalaala Mo Kaya
BEST VARIETY PROGRAM - ASAP
BEST LIFESTYLE SHOW HOST - Anthony Taberna
BEST LIFESTYLE SHOW - Umagang Kay Ganda
BEST TOURISM HOST - Robi Domingo
BEST MAGAZINE SHOW - Rated K
BEST MAGAZINE SHOW HOST - Korina Sanchez for Rated K
BEST NEWS PROGRAM ANCHOR - Ted Failon for TV Patrol
BEST NEWS PROGRAM - TV Patrol
BEST CORPORATE SOCIAL RESPONSIBILITY - ABS-CBN Lingkod Kapamilya

WE RECOMMEND