• MONDAY - FRIDAY AFTER FPJ's ANG PROBINSYANO
  • MONDAY - FRIDAY AFTER FPJ's ANG PROBINSYANO
Grae at Kira, nagtanan na sa “Ang Sa Iyo Ay Akin”

Nauwi sa pagtatanan sina Jake (Grae Fernandez) at Hope (Kira Balinger) dahil hindi na makayanan ng mga ito na maipit sa hidwaan ng kanilang mga ina na sina Marissa (Jodi Sta. Maria) at Ellice (Iza Calzado). 

Desidido na si Jake na itigil ang pakikipagsabwatan kay Marissa sa paghihiganti nito kina Ellice kung kaya ipinagtapat na rin nito ang katotohanan kay Hope na hindi sila magkapatid. Inamin din niya sa dalaga na si Ellice ang pinaniniwalaan ni Marissa na nag-utos na pagpatay sa kanya at sa tunay na Jacob 17 taon ang nakalipas. 

Matapos humingi ng tawad sa dalaga, nagtapat na rin si Jake ng kanyang pag-ibig para dito at hiniling din na magtanan sila. Noong una ay hindi matanggap ni Hope ang lahat ng sinabi ni Jake ngunit nangibabaw din ang pagmamahal niya sa lalaki at nadala sa pagsusumamo nitong takasan na ang lahat ng pait na kanilang dinaranas.   

Samantala, nagbalak na si Ceasar (Simon Ibarra) ipapatay si Jake dahil sa pagtatangka ng ina nitong si Marissa na kunin ang lahat ng shares ni Ellice sa Cenidoza. 

Sa kanilang pagtanan, matauhan kaya sina Marissa at Ellice na itigil ang paghihiganti sa isa't isa? Magtagumpay kaya si Ceasar (Simon Ibarra) sa plano niyang patayin si Jake?  

Alamin sasapitin nina Jake at Hope mga darating na gabi sa "Ang Sa Iyo Ay Akin," palabas gabi-gabi, 8:40 PM sa A2Z channel. I-scan lang ang digital TV boxes para mahanap/hanapin ang A2Z channel na mapapanood sa Metro Manila at ilang bahagi ng Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, at Pampanga.    

Palabas rin ito sa Kapamilya Channel sa cable at satellite TV (SKYcable channel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 22, Cignal channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association sa buong bansa).    

Mapapanood din ito Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, TFC, at iWant TFC app o iwanttfc.com. , Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 22, Cignal channel 22, and in most channels operated by members of Philippine Cable and Telecommunications Association).    

Watch it on the Kapamilya Online Live YouTube channel and the ABS-CBN Entertainment Facebook page, as well as on TFC, the iWant TFC app oriwanttfc.com.