Sikreto ng pamilya ng mga Estrella, bubusisiin sa “A Family Affair”

Isang pamilyang pinagbubuklod ng sikreto at kasinungalingan ang unti-unting masisira sa bagong family drama serye handog ng ABS-CBN na "A Family Affair," na tumabo ng higit pitong milyon views ang trailer sa loob ng dalawang linggo mula noong in-upload ito at pinag-usapan sa social media.

Sa unang pagkakataon, pupukawin ng YouTube superstar na si Ivana Alawi ang damdamin ng viewers sa kanyang pagbibida sa primetime series kasama ang ilan sa mga in-demand Kapamilya leading man ng henerasyon ngayon na sina Gerald Anderson, Sam Milby, Jake Ejercito, at Jameson Blake.

Ani ni Ivana, hindi siya nagdalawang-isipna tanggapin ang programa dahil satiwala siya sa ABS-CBN sa pagbuo ng kwento at hindi siya papababaayn nito.

"I was so excited nung pinitch siya sa akin. Sabi ko nga, story pa lang okay na ako. Ang ganda ganda ng storya. It’s something different kasi it’s not just drama. There’s a lot more. It’s very seductive, steamy, sexy, thrilling, at mysterious. Kapag gawang ABS, talagang class. Hindi ako nag-aalala sa itsura ko or sa story kasi kapag ABS, world-class talaga," saad ni Ivana.

Ayon naman kina Gerald at Sam, iba ang kanilang roles bilang Paco at Dave sa mga karakter na nagampanan nila sa mga dati nilang nagawang serye.

Sabi ni Gerald, "Siya (Paco) ‘yung mas nagmamahal at humahabol. That’s where his worldrevolves. He’ll do everything for her (Cherry Red) even though sa simula hindi strong ang feelings sa kanya. I took it as a challenge para sa character ko that whatever happens, makukuha ko ang loob niya."

Para naman kay Sam, "'Yung mga teleserye na ginawa ko dati straightforward. Dito, mas focus sa pamilya. Ako yung panganay. I guess yung inner struggle kay Dave is something I have not done sa past seryes ko."

Iikot ang serye sa dalagang si Cherry Red (Ivana) na aampunin ng pamilya ng Estrella.Lalaki siya kasama ang magkakapatid na sina Paco (Gerald), Dave (Sam), Seb (Jake), at Drew (Jameson). Magiging komplikado ang kani-kanilang relasyon sa isa't isa nang umibig sa kanya ang ang dalawang nakatatandang Estrella, sina Dave, ang kanyang unang minahal, at Paco na kanyang magiging fiancé.

Alamin kung ano-anong sikreto ang bumabalot sa pamilya ng Estrella at kung anong koneksyon nito sa buhay ni Cherry Red.

Idinerehe nina Jerome Pobocan at Raymond Ocampo, makakasama rin sa naturang serye sina Aya Fernandez, Edu Manzano, Rans Rifol, Heaven Peralejo, at marami pang iba.

Maunang mapanood ang pagsisimula ng kwento ni Cherry Red at ng Estrella brothers saiWantTFC app (iOs and Android) o iwanttfc.com 48 oras bago ito umere sa telebisyon Maari rin nila mapanood ang broadcast premiere nito sa Hunyo 27 (Lunes) sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, Jeepney TV, TFC IPTV, at TV5.