• MONDAY-FRIDAY AFTER FPJ’S ANG PROBINSYANO
  • MONDAY-FRIDAY AFTER FPJ’S ANG PROBINSYANO
Yves at Gillian, nagbabalik sa "ReTox To Be Continued”

Mapapanood muli ang kinakiligan at kinagiliwang karakter nina Yves Flores at Gillian Vicencio sa spin-off ng "2 Good 2 Be True" na "ReTox To Be Continued" sa YouTube channel ng ABS-CBN 

Ani ni Yves sa mediacon ng programa, hindi niya inasahan na tatangkilin ang kanilang tambalan ni Gillian.

"Itong ReTox na ito hindi namin ine-expect parang wala siya sa script at story.Sa tagal ng (pagte-taping namin) meron silang nakikita na hindi namin nakikita. Eventually, na-realize namin na meron ngang something sa tuwing napapanood namin which is hindi naman namin nararamdaman at sinasadya."

Rito sa spin-off ng programa, sinabi ni Yves na mas lalalim ang kwento nina Red at Tox.

"After two years ‘yung relationship nina Red at Tox lumalim na wala na masyadong pa-tweetums. Nandoon pa rin yung characters namin. ‘Yung liveliness and comedy. Mas lumalalim lang din kasama na ‘yung family, friends, at kung among gusto namin sa sarili namin," dagdag niya. 

Samantala, marami naman natutunan si Gillian sa kanyang karakter na matutunan din ng viewers sa kwento. 

Retox

Para kay Gillian, "Ang natutunan ko kay Tox is very important yung communication. Siyempre kailangan mo sabihin y’ung feelings at thoughts mo para maintindihan ka ng tao. Forgiveness ‘yun din important. Kailangan mong ayusin ‘yung mga bubog mo para matuto ka from that and kung paano mo siya iha-handle."

Sa "ReTox To Be Continued," masusubukan ang tibay ng relasyon nina Red at Tox sa mga problemang kahaharapin nila tulad tungkol sa kanilang pagsasama pati na sa kanilang mga minamahal. 

Retox

Meant to be continued ba ang kanilang love story lalo pa sa mga problemang parating sa kanilang relasyon at pagbabalik ng ina ni Tox na gagampanan ni Mercedes Cabral?

Isa ang "ReTox To Be Continued" sa bagong shows mula sa "Made For YouTube" ng ABS-CBN.

Panoorin ang episodes 1-4 ng "ReTox To Be Continued" mula Agosto 1 hanggang Agosto 4 at episodes 5 hanggang 8 naman sa August 8 hanggang Agosto 11, 6PM sa YouTube channel ng ABS-CBN.